100 days accomplishments, inilatag ng alkalde sa Jovellar, Albay

LEGAZPI CITY – Inihayag din sa publiko ng alkalde ng Jovellar na si Joreem Arcangel ang mga nagawa nito sa loob ng isandaang araw na panunungkulan bilang alkalde.  

Kabilang sa mga nagawa nito ang pagpapalabas ng executive order para sa iba’t ibang polisiya ng lokal na pamahalaan, muling pagsaaayos ng iba’t ibang local special bodies, at pagkuha ng mga empleyado.

Sa ilalim naman ng infrastructure program, mayroong rehabilitation o improvement ng local roads sa Brgy. Plaza Calzada at Mabini, Phaze 2 ng construction ng line canal and barriers sa Brgy. Rizal at paglalagay ng pitong set ng solar street lights system sa Brgy. Magsaysay,, Sto Niño, Aurora, Mamlad, Florista at San Isidro.

Kasama rin dito ang community development program tulad ng pagsasagawa ng “Pagmakulog sa Jovellareños”, Government Internship Program, Special Program of the Employment, Social Pension and 4Ps Benefits at marami pang ang iba pa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *