$100 ibigay sa mga magpapabukana kontra COVID-19 – Biden

Nanawagan si US President Joe Biden sa mga estado na mag-alok ng $100 sa mga bagong nabakunahan para makahikayat ng mga mamamayan na magpabakuna sa gitna ng COVID-19 surge.

Kasabay ng panawagan, nag-isyu si Biden ng mas mahigpit na bagong vaccine requirements para sa US federal workers na umaabot ng 2-milyong personnel.

Nakasaad sa order ni Biden na dapat magpakita ng proof of vaccination ang mga empleyado para hindi sila i-require ng mandatory testing at masking.

Sinabi ni Biden na ang bagong hakbang at incentives ay bunga ng tumataas na bilang ng mas nakakahawang Delta vaiant na nagpalala pa ng pandemic ng mga hindi nabakunahan.

Binigyang diin ni Biden na marami na ang namamatay at mas maraming mamamatay na hindi dapat kung hindi kikilos at makikiisa ang lahat.

Aminado naman si Biden na hindi patas sa mga naunang nabakunahan na ngayon lang sila mag-aalok ng insentibo pero magiging kapaki-pakinabang naman ito sa nakakarami.

Kukunin din aniya ang pondo ng ibibigay na incentive sa $1.9 trillion American Rescue Plan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *