10,000 doses ng covovax vaccine na binili ng City of Ilagan, inaasahang darating sa hunyo

Inaasahang darating na sa buwan ng Hunyo ang mahigit 10,000 doses ng Covovax vaccine kontra COVID-19 sa City of Ilagan.

Ito ang kinumpirma ni City of Ilagan Information Officer Paul Bacungan sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, ito ay ilan lamang sa binili ng lokal na pamahalaan ng Ilagan mula sa ilang pharmaceutical company kung saan nasa 50,000- 70,000 doses ang inaprubahan ng Department of Health at Inter-Agency Task Force na bibilhin ng LGU.

Kaugnay dito, naglaan aniya ang City Of Ilagan LGU sa pangunguna ni Mayor Jay Diaz ng 50 milyon pesos na pondo para sa pagbili ng bakuna.

Dagdag pa niya, kasalukuyan na ang negosasyon sa iba pang pharmaceutical company para sa bibilhing bakuna gaya ng Aztrazeneca at Sputnik V.

Ang mga darating na bakuna ay nakalaan para sa mga kabilang sa A4 o government employees at Ilagueño na gustong magpabakuna.

Ayon pa kay Information Officer Bacungan, inihahanda na rin ang mga storage facility, vaccination sites maging ang kahandaan ng mga BHERTS, midwife at doctors sa lunsod.

Pinaalalahanan naman nito ang mga Ilagueños na bagaman bumababa na ang kaso ng COVID-19 sa siyudad ay patuloy paring sumunod sa health protocols upang maibsan ang transmission ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *