KILALANIN: 2-anyos na bata sa Amerika, tinaguriang ‘Local Little Genius’ dahil sa 146 IQ

Naging pinakabatang miyembro ng Mensa sa Amerika ang isang 2-anyos na batang babae sa Los Angeles matapos itong makakuha ng IQ Score na 146.

Ang Mensa ang siyang itinuturing na world’s oldest high IQ society. Ang 146 na nakuhang score ni Kashe Quest ay halos 50 puntos na mas mataas sa 98-point average IQ score sa US.

Ang 2-anyos na batang si Kashe, anak ng mag-asawang Sukhjit Athwal at Devon Quest ay kaya na umanong magbasa ng mga buong pangungusap, magbilang ng hanggang 100 at tukuyin ang 50 estado ng Amerika.

Sa ngayon ay inaaral naman ng bata ang pagtukoy sa periodic table elements sa pamamagitan ng mga symbols nito at pinag-aaralan na rin ang wikang Espanyol.

Ayon sa mga magulang nito, hindi nila pinipressure ang bata hinggil sa kung ano ang gusto nitong matutunan at hindi rin naman nila ito pinipigilan bagkus ay sinusuportahan nila ito.

She’ll wake up on a Saturday and say, ‘I wanna do elements,’ or, ‘I wanna do states,” kwento ni Quest.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *