103 ARBs sa Sorsogon, natanggap na ang kanilang e-titles mula sa DAR

SORSOGON CITY – Kabuuang 103 Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs) sa lalawigan ng Sorsogon sa ilalim ng Support to Parcellation of Lands for Individual Titling (SPLIT) project ang nakatanggap na ng kanilang electronic land titles o e-titles kung saan ang pamamahagi ay ginawang door-to-door.

Kinabibilangan ito ng pitong farmer-beneficiaries sa bayan ng Juban na nakatanggap ng titulo na sumasaklaw sa 18.94 ektarya ng lupa sa Brgy. Buraburan.

Sampung e-titles din na sumasaklaw sa 21.04 ektarya ng lupa ang natanggap ng sampong ARBs sa Brgy. Tugas at Balocawe sa bayan ng Matnog, habang 13 benebisyaryo naman sa bayan ng Pilar ang nakatanggap ng e-title na sumasaklaw sa lupa na may 30.13 ektarya.

May 31 ARB naman sa Brgy Escuala sa bayan ng Casiguran habang 24 na ARBs mula sa coastal barangay ng Behia sa bayan ng Magallanes. May kabuuang 18 ARBs naman sa mga bayan ng Donsol, Barcelona, Bacon District at Sorsogon City ang nakatanggap ng titulo.

Laking pasalamat naman ng mga benepisyaryo dahil napasakamay na nila ang titulo ng kanilang mga lupang sinasaka.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *