KORONADAL CITY- PATULOY na tumatanggap ng application ang Bureau of Fire Protection o BFP Region 12 para sa 105 na mga bakanteng nga Fire Officer I positions.
Ang deadline ng submission ng application ay itinakda sa Abril 21, 2023.
Ito ay bukas sa lahat ng mga Filipino citizens, lalaki man o babae na may edad na 21 anyos hanggang 30 anyos; may taas na 5 feet 2 inches sa lalake at 5 feet sa babae; may baccalaureate degree; good moral character; at may 2nd level Civil Service eligibility, RA 1080 o PD 907 eligibility.
Sa mga interesado at qualified applicants, magsumite ng application folder sa BFP Regional Office 12 sa Prime Regional Center, Barangay Carpenter Hill, Koronadal City.
