105 taong gulang na nanay sa Texas, pagkain umano ng bacon ang naging sekreto sa mahaba niyang buhay

PAGKAIN umano ng bacon ang sikreto ni nanay Pearl Cantrell sa mahaba nitong buhay, kapag kumakain umano siya nito ay hindi nya nararamdaman ang kanyang pagtanda.

Si nanay Pearl mula sa Texas ay 105 taong gulang na, at ayon mismo sa kanya hindi ang pagkain ng masusustansya at pag eehersisyo ang dahilan kung bakit malakas parin siya, ito ay dulot umano ng kanyang paboritong bacon na araw- araw niyang kinakain.

Subalit, hindi sinuportahan ng mga dalubhasa ang pahayag ni nanay dahil ang sobra-sobra na pagkain ng mga processed foods katulad ng bacon, ay hindi umano makakabuti sa katawan ng isang indibiwal, bagkus magdudulot lamang ito ng kapahamakan sa kalusugan.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *