DILG: Brgy execs, capable para magpatupad ng COVID-19 protocols

Binigyang diin ng isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government na capable ang mga barangay officials na magpatupad ng COVID-19 protocols sa kanilang mga lugar, kasunod ng naunang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga ito sakaling bigong mapipigilan ang mass gatherings.

Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, maaring ipatawag ng barangay chairpersons ang kanilang mga residente at papagpaliwanagin sa kanilang paglabag sa minimum health standards at ipasa ang reklamo sa local prosecutors, sakaling mabigo ang mga violators na tumugon.

Matatandaan na ang babala ni Duterte ay matapos ang bagong mass gatherings sa ilang lokalidad na nagresulta sa COVID-19 superspreader events.

Samantala, pinaalalahanan ni Diño ang mga otoridad na iwasan ang karahasan at pagpapahiya o pambabastos sa virus protocol violators.

Una nang sinabi ng DILG at ng Department of Justice na nasa proseso sila ng pagbuo ng joint memorandum circular o set ng mga panuntunan kaugnay sa mga paglabag sa health protocols. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *