10K pulis ipapakalat ng NCRPO para magbantay ng seguridad sa darating na Undas

Nasa 10,000 mga pulis ang nakatakdang i-deploy sa Metro Manila para magbantay sa kaayusan sa darating na Undas sa Nobyembre 1 at 2 .

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) spokesperson Police Lieutenant Colonel Dexter Versola ipapakalat ito sa 80 mga cementeryo at 24 na columbariums sa loob ng Metro manila.

Bukod sa mga pulis, magpapakalat din ng force multipliers, kabilang ang mga tauhan mula sa local government units, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Department of Health, at iba pa.

Ang NCRPO, ayon kay Versola, ay magbibigay ng maximum police visibility bilang bahagi ng crime prevention strategy nito para masiguro ang obserbasyon ng Undas.

Nauna nang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na dadagdagan ang deployment ng mga tauhan nito bago ang Undas na may augmentation mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *