10k tulong pinansyal ibinigay ng DSWD sa mga benipisyaryo ng ESSI

Nagbigay ng tulong pinansyal ang DSWD Region 3 sa mga kwalipikadong benipisyaryo ng Enhanced Support Services Intervention (ESSI) para sa Modified Conditional Cash Transfer (MCCT) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) beneficiaries.

Sa Olongapo City, mayroong apat na nakatanggap, may 31 naman mula sa Castillejos habang lima mula sa Botolan, Zambales.

Bawat isa sa mga ito ay nakatanggap ng sampong libong piso mula sa Kagawaran.

Layon ng ESSI na makapaghatid ng karagdagang proyekto o serbisyo para sa mga benepisyaryo ng MCCT at 4Ps na naninirahan sa malalayo at mahirap na abutin na lugar.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DSWD Central Luzon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *