11 Barangay sa Tabaco City na may milyon-milyong utang sa APEC namimiligrong putulan ng kuryente

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Power and Energy Corporation na may 11 barangay sa lungsod ng Tabaco ng pagkakautang ng mahigit sa milyong piso.

Ayon sa APEC, binigyan ng listahan ang Local Government Unit (LGU) Tabaco ng 11 barangay na may mga malalaking utang sa nasabing korporasyon.

Dahil dito ay posibleng maputulan ng supply kuryente ang mga barangay sa oras na hindi mabayaran ang mga utang nito.

Kabilang sa maaaring putulan ng kuryente ang Barangay Tayhi na may utang umano na P14M, Bonbon na P7.7M, P8.4M sa barangay Baranghawon, P3.8M sa Divino Rostro, P10M sa San Lorenzo, P12M sa barangay Matagbac, Panal P7.8M, habang may tatlong pang barangay ang binavalidate sa ngayon ng pagkakautang sa korporasyon.

Dagdag pa nito, nauna ng pinutulan ng supply ng kuryente ang Barangay Bacolod dahil sa umabot ng P7.8M na utang sa APEC, maraming ilegal connection at unregistered.

Inaasahan rin ng korporasyon na ang bawat LGu’s na mabibigyan ng listahan ng mga barangay na may mga utang ay mahikayat nito na bayaran ang mga utang at matigil na rin ang ilegal connection

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *