Pangalan ng 11 paaralan sa Bicol na kasama sa pilot testing area para sa limited face to face classes pinalabas na-DepEd Bicol

LEGZPI CITY – Pinangalan na ng Department of Education (DEPED) Bicol na mayroon na silang pinal na listahan ng mga paaralan na magsasagawa ng Pilot Testing Area na Limited Face to Face Classes.

Ayon kay Regional Director Gilbert Sadsad ng nasabing tanggapan, tatlong paaralan sa lalawigan ng Sorsogon ay nagsimula na kahapon ng kanilang limited face to face classes. Mula sa Sto domingo ES bayan ng Prieto Diaz, Cagayan ES bayan ng Irosin at Casiguran Technical Vocational bayan ng Casiguran Sorsogon.

Nakatakda rin magsimula sa Dec 2, 2021 ng face to face classes ang Salvacion ES, San Juan ES, Sinuknipan ES lahat ay mula sa Del Gallego Camarines Sur, Bolo Sur ES at Mangapo ES parehong nagmula sa bayan ng Sipocot ng nasabing lalawigan.

Dagdag pa nito ang Panicuason ES sa Naga City habang ang Oma Oma National High School at Busac ES parehong mula sa lungsod ng Ligao. Nakatakda rin ang mga ito magsagawa ng limited face to face classes sa darating na Dec 6 ng kasalukuyang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *