11 mga fully vaccinated na , napabilang sa 31 bagong COVID Cases sa Naga City

NAGA CITY – May 11 na namang mga individual na fully vaccinated na ng COVID-19 vaccines ang napasama sa talaan ng 31 bagong nag positibo sa virus kahapon, batay iyan sa inilabas na datus ng City Health Emergency Response Task Force kagabi.

Ang mga bagong nagka virus na ito na mga fully vaccinated na at kinabibilangan ng medical technologist, nursing attendant, medical assistant, online tutor, barangay health worker at ilang mga government employees.

Sila ay mga taga barangay ng San Felipe, Peñafrancia, Mabolo, Pacol, Liboton, Concepcion Grande at Triangulo.

Ang mga ito ay kasalukuyang ginagamot sa mga klinika at ospital sa lungsod.

Sa 31 bagong maysakit , 16 sa kanila ang closed contact, 14 ang community transmission, 17 an mga unvaccinated at 17 naman ang nakarsanas ng mild symptoms.

Samantala, sa nagpapatuloy na mobile testing sa mga barangay, 34 mga individual ang isinailalim sa antigen test at anim sa mga ito ang nag positibo.     

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *