11 NPA kabilang ang isang mataas na opisyal, sabay-sabay na nagsurender sa PNP-Sorsogon

SORSOGON CITY – Labing-isang kasapi ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang boluntaryong sumurender sa pamamagitan ng Intelligence Operations ng Pulis Kasanggayahan sa Sorsogon.

Sa pahayag sa Brigada News ng Casiguran Municipal Police Station, sabay-sabay umano na inihatid ng mga operatiba ng 1st Provl. Mobile Force Company (PMFC) ang mga rebelde sa kanilang himpilan, at tumulong na mapamadali ang proseso ng dokumentasyon.

Ang 11 rebelde na pawang mga residente ng Casiguran, isa mula sa bayan ng Castilla at ang isa mula lungsod ng Sorsogon; ay pinangunahan ni alyas ‘Liza,’ 29-anyos, dating Vice Commanding Officer Squad 1 ng Platun 1, Larangan 1, Komite Probinsyal 1 na nag-ooperate sa Camarines Norte.

Kabilang din sa sumurender ay dalawang miyembro ng Gabriela/Anakbayan at Anakpawis; dalawang kasapi ng Militia ng  Bayan at ang iba ay mga miyermbro ng L1, KP3 na nag-ooperate sa lalawigan ng Sorsogon.

Pinakabata sa mga ito ay ang 20 at 21-anyos na miyembro ng Gabriela at Anakbayan habang 67-anyos naman ang pinakamatanda sa grupo.

Kasabay ng pagsurender ay ibinaba rin ni Ka Liza ang kanyang kalibre 38 na revolver, tatlong bala nito, isang magazine para sa M16 rifle, 8 bala para sa 5.56 mm at isang set ng medical kit.

Sa ngayon, ang 1st PMFC na siyang lead unit ay nasa proseso na ng debriefing sa naturang grupo.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *