NAGA CITY – Inilikas ang 11 pamilya sa Garchitorena, Camarines Sur dahil sa epekto ng masungit na dagat; malakas ang alon dahil sa Amihan.
Ang mga apektadong pamilya ay nanatili na sa evacuation center. Dati na silang inilikas ng MDRRM-Garchitorena dahil nakatira malapit sa Sea Wall ng Barangay 2 Poblacion.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Janet Bombase, MDRRM Officer ng naturang bayan. Inaabot ng tubig dagat ang kabahayan ng 11 pamilya pag-ganitong panahon at dahil walang outlet o labasan ang tubig na galing sa dagat mabilis na nagkakaroon ng pagbaha sa lugar.
Una nang sinabi ng PCG Camarines Sur na mag-ingat ang mga nasa may tabing dagat pati ang mga mangingisda at maliliit na sasakyang pandagat dahil may gale warning ang PAGASA.