11 pamilyang binuhawi sa Norala, natulungan sa Brigadahan 1 Tahanan

KORONADAL CITY- LABIS-LABIS ang tuwa at pasasalamat ng 11 na pamilya na totally damaged ang kanilang pamamahay sa nangyaring buhawi sa bayan ng Norala, South Cotabato sa mga tulong na kanilang natanggap mula sa taong bayan sa pamamagitan ng Brigadahan 1 Tahanan ng Brigada News FM Koronadal.

Ang bawat pamilya ang nakatanggap ng kalahating sakong bigas, groceries na kinabibilangan ng noddles, canned goods, gatas, kape, biscuits at nakatanggap rin ang mga ito iba’t-ibang mga pako.

Ang mga benepisyaro ang mula sa Barangay Simsiman at Matapol ng nasabing bayan na lubhang tinamaan ng nasabing kalamidad.

Labis-labis naman ang pasasalamat ng mga ito sa tulong mula sa taong bayan na naging daan ang himpilan ng Brigada News FM Koronadal.

Sa ngayon umaasang makakabangon at maipapatayong muli ng mga biktima ang kani-kanilang bahay sa tulong ng gobyerno.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *