11 proyekto ng DPWH Bicol na build build build program maituturing na Legacy sa Duterte Administration

LEGAZPI CITY – Sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong lunes ay nabanggit nito ang usaping Build Build Build program kung saan kabilang rin dito ang Bicol Region sa mga nagawa na proyekto.

Ayon kay Lucy Castaneda, ang Regional Spokesperson ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol, aabot sa 11 na proyekto ng nasabing ahensya na build build build program ang maituturing Legacy sa ilalim ng Administrasyong Duterte.

Kabilang sa mga proyekto ng nasabing program ay ang Daraga Urban Tourism Eco Route Project, Imelda Boulevard at Pres. Cory Aquino Boulevard sa lalawigan ng Camarines Norte, Legazpi City Coastal Road, Matnog Coastal Road at Matnog, Sta Magdalena, Bulusan Road sa lalawigan ng Sorsogon, Sorsogon City Coastal Bypass Road, Pasacao Balatan Tourism Coastal Highway, Camarines Sur Expressway Project, Albay Sorsogon Connector Road, at Cagraray Island Circumferential Road.

Ang mga nabanggit na proyekto ay nagpapatuloy pa rin dahil sa karamihan sa mga nito ay nakapagsimula pa lang nitong mga nakaraang taon.

Ayon pa sa DPWH, umaabot sa mahigit Billion piso na pondo ang kanilang nailalabas na para sa build build build program.

Dagdag pa nito, aabot din sa 1.1 million na katao at 162 na engineers ang nabigyan ng trabaho simula ng maumpisahan ang nasabing programa.

Ang BUild Build Build Program ng kasalukuyang administrasyon ay layunin nito ay mapalago ang ekomiya ng bansa, tulungan din nitong maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat tao partikular ang mga mahihirap kung saan ay nabibigyan ng trabaho, maabot ang mga malalayong barangay o farm to market road na kung saan ay ginagawang four lanes ang kalsada para mapabilis ang pagbabyahe o ang transportation, pag-usbong ng turismo at napapabilis rin nito ang pagbaba ng mga produkto patungo sa Merkado.

Aminado rin ang DPWH, na nahirapan rin ang mga ito na masimulan ang proyekto sa rehiyon kung saan nagkaroon ng problema umano sa right of way.

Dahil dito ay bumuo ng divsion road na right of way and legal aquisition o pagbili sa mga lupa.

Maliban pa rito ay naapektohan rin ang  mga proyekto dahil sa covid 19 kung saan natigil ang mga ito sa konstruction ngunit kalaunan ay nakabalik rin sa pagtatrabaho.

Tiniyak ng opisyal, tatapusin ang mg proyketo kahit tapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *