114 na bagong kaso ng COVID-19 naitala ngayong araw sa Bicol

BNFM BICOL—Pumalo na sa 9,250 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 114 na bagong kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 44 kung saan 16 nito ay mula sa Naga City, anim sa bayan ng Pili, apat sa bayan ng Bula at San Fernando, tatlo sa bayan ng Baao at tatlo rin sa lungsod ng Iriga, dalawa sa bayan ng Sipocot at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Calabanga, Lagonoy, Milaor, Ragay at Tinambac.

27 bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Albay kung saan walo nito ay mula sa bayan ng Daraga, pito sa lungsod ng Legazpi, lima sa bayan ng Guinobatan, dalawa sa bayan ng Jovellar, dalawa rin sa lungsod ng Ligao, at tig-isa ang bayan ng Bacacayn at Camalig at isa rin sa Tabaco City.

27 bagong kaso rin ang naitala sa lalawigan ng Sorsogon kung saan 11 nito ay mula sa bayan ng Matnog, apat sa Sorsogon City, tatlo sa bayan ng Pilar, tigdadalawa ang mga bayan ng Bulan, Donsol at Irosin at tig-iisa ang mga bayan ng Barcelona, Castilla at Gubat.

11 sa lalawigan ng Catanduanes kung saan apat nito ay mula sa bayan ng San Andres, tatlo sa bayan ng Virac at tigdalawa ang bayan ng Baras at Bato.

Dalawang kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte, galing ito sa mga bayan ng Cpalonga at Labo.

Isang kaso ang nadagdag sa Masbate na mula sa bayan ng San Fernando habang may dalawa ring nagpositibo na mula sa labas ng rehiyon, isa nito ay mula sa Taguig at isa ang mula sa Cavite.

Sa ngayon, umaabot na sa 2,793 (30.19%) ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Pumalo naman sa 6,134 (66.31%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling matapos madagdagan ng 62 ngayong araw.

32 nito ay mula sa Naga City, sampo sa lalawigan ng Sorsogon, siyam sa lalawigan ng Camarines Norte, anim sa Camarines Sur, tatlo sa Albay at dalawa sa Catanduanes.

Walang bagong nadagdag sa mga nasawi kaya nananatili sa 323 (3.49%) ang COVID-19 fatalities sa rehiyon.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *