118 na bagong kaso, 2 pagkasawi at 47 recoveries sa COVID-19 naitala ngayong araw sa Bicol; total cases pumalo na sa 7,734

BICOL—Pumalo na sa 7,734 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos makapagtala ng 118 panibagong kaso ngayong araw.

Nagtala ng pinakamataas na kaso ang Camarines Sur na mayroong 63 kung saan 15 nito ay mula sa bayan ng Magarao, 14 sa Naga City, tig aapat sa mga bayan ng Gainza, Pasacao, Sagñay, at Iriga City, dalawa sa bayan ng Bula at Libmanan at tig-iisa ang mga bayan ng Baao, Bato, Cabusao, Calabanga, Camaligan, Garchitorena, Goa, Lagonoy, Milaor at Pili.

Sumunod ang lalawigan ng Masbate na nagtala ng 29 na bagong kaso kung saan 15 ay mula sa Masbate City, 13 sa bayan ng Mandaon at isa sa bayan ng Balud.

May tigsampung kaso naman ang lalawigan ng Sorsogon at Albay.

Apat sa bagong kaso sa Albay ay mula sa lungsod ng Ligao, dalawa sa lungsod ng Legazpi at Tiwi at isa sa bayan ng Polangui at Sto. Domingo

Walo naman sa mga bagong kaso sa Sorsogon ay mula sa Sorsogon City, isa sa bayan ng Gubat at isa rin sa bayan ng Prieto Diaz.

Anim na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng San Vicente, dalawa rin sa bayan ng Talisay at tig isa ang bayan ng Daet at Labo.

Dahil dito, umabot na sa 1,897 (24.53%) ang aktibong kaso ng sakit sa rehiyon.

Dalawang pagkasawi ang nadagdag, isa sa Camarines Norte at isa sa Sorsogon kung kaya pumalo na sa 281 (3.63%) ang total death toll ng sakit.

Samantala, 47 na bagong recoveries naman ang nadagdag ngayong araw. 24 ay mula sa Naga City, 19 sa Sorsogon, tatlo sa Masbate at isa sa Catanduanes. Bunsod nito, pumalo na sa 5,556 (71.84%) ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *