12 bagong kaso ng COVID- 19 naitala sa Camarines Norte noong nakaraang linggo

CAMARINES NORTE- Nakapagtala ng labingdalawang bagong kaso ng COVID- 19 ang lalawigan ng Camarines Norte noong nakaraang linggo.

Batay ito sa datos ng Department of Health na ipinalabas nitong Lunes, October 24.

Ang mga ito ay nagmula sa Daet na may limang kaso, tig dalawa ang Basud at Labo habang tig iisang kaso naman sa Jose Panganiban, Mercedes at Talisay.

Kaugnay nito patuloy ang paalala ng Department of Health sa publiko na gawin pa rin ang basic health protocols kontra COVID- 19.

Ayon naman kay Provincial  Health Officer Dr. Arnel Francisco, importante ang bakuna para maiwasan ang severe case ng COVID- 19.

Aniya, hindi na isyu ngayon ang supply ng bakuna kundi ang kagustuhan na lang talaga ng mga tao.

Naniniwala si Francisco na sapat naman ang ginagawang advocacy campaign ng gobyerno para mahikayat ang publiko na magpabakuna.

Sa katunayan, inilalapit na nga raw ang bakuna sa mga tao pero mayroon talagang ayaw magpabakuna.

Wala rin umanong batas na mag oobliga sa mga tao na magpabakuna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *