12 bilang ng kaso ng COVID-19, naidagdag sa Albay

LEGAZPI CITY – Nakapagtala ang lalawigan ng Albay ng 12 mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon ayon sa Provincial Health Office (PHO).


Sa datos ng tanggapan, anim ang naitalang mga kaso sa Legazpi City, habang pareho nang tig-iisa sa Daraga, Guinobatan, Ligao City, Pio Duran, Sto. Domingo at Tabaco City.

Karamihan sa mga ito ay kasalukuyang naka-quarantine, at karamihan din ang mga bakunado.

Patuloy ang paalala ng PHO sa publiko na sundin ang mga ipinatutupad na health protocols at magpabakuna upang maiwasan na ang pagkalat ng nasabing sakit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *