LEGAZPI CITY – Hindi inalintana ng 12 contingents mula sa iba’t ibang mga paaralan sa Albay ang napakainit na panahon sa Legazpi City upang makilahok sa Magayon Drum and Lyre Corps Parade and Competition kahapon, Mayo 8.
Ayon sa Albay Provincial Tourism Culture and the Arts Office (PTCAO), anim na grupo mula sa elementarya ang lumahok at anim din mula sa sekundarya ang nagpasiklaban upang masungkit ang championship.
Hindi rin nagkulang sa paalala sa publiko ang Legazpi City Police Station at iba pang ahensya ng gobyerno upang maayos na maisagawa ang nasabing kompetisyon.
Isa ang kompetisyon sa mga nakalinyang aktibidad sa pagbubukas ng Magayon Festival 2023.
Samantala, nagsimulang isara ang ilang bahagi ng kalsada sa lunsod mula ala una pasado kahapon, upang makapagbigay daan sa mga kalahok, habang alas dos naman ng hapon nang magsimula ang parada.