12 indibidwal, karamihan ay handicraft maker at isang SK Chairman, tiklo sa ‘tong-its’

Hindi na nakapalag pa ang 12 Bulusanon nang arestuhin ang mga ito makaraang maaktuhan ng Intel operatives ng Bulusan MPS na nagto-tong-its sa Bulusan Sorsogon.

Batay sa ulat na nakuha ng Brigada News, ginawang gambling den ang bahay ni Lucia Lacra Espectation sa Brgy Barbara, kung saan nadatnan ng mga operatiba ang dalawang mesa na ginamit sa pagsusugal ng mga suspek.

Kinilala ang mga suspek sa Table No. 1 na sina Gemma Floranda Esternon, 44-anyos, Ritchel Lagobis Hallasgo, 47-anyos, Precila Tadeo Furio, 48-anyos at Elizabeth Fulo Estrabella, 49-anyos lahat handicraft maker.

Sa Table No. 2 naman ay sina Elizabeth Dob Gache, 36-anyos; Rowena De Vera Gabrentina, 57-anyos, may asawa; Lucia Lacra Espectation, 59-anyos at Salome Españo Freo, 53-anyos may asawa, pare-parehong handicraft maker.

Kasama din sina Ace Doe De Vera, 26-anyos, SK Chairman; Ligaya Ereo Estremadura, 55-anyos, may asawa, mobile vcendor; Salvador Espinar Estremera, 39-anyos, may asawa, coco farmer at Roberto Doe Estrabela, 53-anyos, binata at walang trabaho.

Nakumpiska sa dalawang mesa ang mga baraha na ginamit at perang taya.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *