12 motorsiklong may maiingay na tambutso, bagsak sa sound level operation ng CENRO

NAGA CITY – Bumagsak ang 12 motorsiklong may maiingay na tambutso sa 29 na hinarang sa Sound Level Operation ng Naga City Environment and Natural Resources Office, matapos lumampas sa 80 decibels ang ingay at mataas ito kumpara sa nakaraang taon.

Sa panayam kay Jayson Vargas, Pollution Control and Wastewater Management Division Officer in Charge ng CENRO, mas pinalalakas lang ngayon ang operasyon dahil sa mga reklamo na ng mga residente lalo na ang mga nasa Subdivision na nakakabulabog kahit madaling araw na, maging ang motorsiklo mula sa ibang bayan kapag nasa lungsod walang ligtas. Binibigyan ng citition ticket na may P500.00 na penalidad kapag naging paulit-ulit kinukompiska na ang motorsiklo.

Inabisuhan naman ang publiko na maaari nilang ireklamo sa opisina o picturan ang mga may tambutsong maiingay. Panawagan nito sa mga may-ari naman ng mga motorsiklo, na huwag papalitan ang mga tambutso na nagiging problema ng mga residente sa ingay lalo na’t karamihan pangporma lamang.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *