12 patay, halos 10,000 residente inilikas sa malawakang pagbaha sa China

Patay ang 12 tao habang tinatayang sampung libong (10,000) mga residente ang inilikas dahil sa malawakang pagbaha sa ilang bahagi ng China.

Ayon sa report, naitala ang mga patay sa Zhengshou city habang nananatili sa evacuation ang libu-libong tao sa Henan province.

Inaantabayanan pa ang kabuuang report hinggil sa pagbala lalo na at maraming lungsod sa China ang binaha.

Samantala, nangangamba ang mga otoridad na bumigiay ang dam sa Henan province na una nang napinsala ng mga nagdaang bagyong dumaan.

Biniberipika din ng mga otoridad ang isang video na nagpapakitang aabot sa shoulder level ang baha sa binahang subway train.

Ilang pasahero ang tinutulungan ng mga rescuers sa pamamagitan ng mga lubid habang ang iba ay napilitang tumuntong sa mga upuan sa loob ng tren

Kaugnay nito, daan-daan na umano ang na-rescue pero hindi pa malinaw kung mayroong mga na-trapped na pasahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *