12 samples, sinusuri sa PH Genome Center para sa posibleng Omicron

Kinumpirma ng Department of Health na may 12 samples na isinasailalim ngayon sa review para sa posibleng kaso ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabilang sa mga isinasailalim ngayon sa genomic sequencing ay ang mga samples mula sa COVID-positive traveler na dumating mula sa South Africa at 11 returning overseas Filipinos.

Inaasahan na bukas, ilalabas na ang resulta nito.

Sa ngayon, wala pang kaso ng Omicron variant na nadedetect mula sa 629 samples na una nang sinuri ng Philippine Genome Center.

Samantala, inihayag ni Vergeire na ang tatlong foreign nationals at isang returning overseas Filipino na nakabase ngayon sa Western Visayas na una nang nagpositibo sa COVID-19 ay muling tenest noong Dec. 1, kung saan negatibo na ang resulta. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *