NAGA CITY โInararo ng montero sports na ito ang 12 mga sasakyan kabilang ang 2 motorsiklo sa lungsod ng Naga.
Sa panayam ng BNFM Naga kay PSMSgt Tobias Bongon taga-pagsalita ng Naga City Police Office, sinabi nitong nangyari ang insidente bandang alas 4:10 ng madaling araw ng Setyembre 15 ng taong kasalukuyan. Lumalabas sa inisyal na ulat na galing ang naturang sasakyan sa bahagi ng Dayangdang Colgante Bridge, humarurot patungo sa may Metropolitan Naga Cathedral. Pagdating sa lugar, nawalan na ng control sa pagmamaneho na nagresulta sa pagkabangga sa mga sasakyang nakaparada sa tabi ng kalsada. Ang iba sa mga may ari ng sasakyan na ito ay dumalo sa dawn procession kaugnay ng Peรฑafrancia Fiesta sa Naga.
Ang drayber ay 27 negosyante na residente ng Villa Grande Concepcion Grande lungsod ng Naga. Mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting Multiple Damage to Property and Physical Injuries ang driver na kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1.
Sinubukang kunan ng pahayag ng BNFM NAGA ang drayber pero hindi ito nagpaunlak.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP. Nag-usap na ang magkabilang panig para sa nararapat na susunod na aksyon nito.
Samantala sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga nasugatan sa insidente.