12 taong kulong, kahaharapin ng delingkwenteng employer – SSS

SORSOGON CITY – Maaring maharap ng hanggang 12 taong pagkakakulong at bayaran ang kanilang mga kontribusyon ang kahaharapin ng mga delingkwenteng employer na patuloy na delingkwente, ayon ito sa Social Security System.

Ayon kay Vice-President for SSS Luzon Bicol Division Elenita Samblero, isa sa dahilan sa paglunsad nila ng RACE o Run After Contribution Evaders ay upang mag-alok ng mga remedy para maginhawang maayos ng mga employer ang kanilang pagkadelingkuwensya sa kontribusyon sa pamamagitan ng Pandemic Relief and Restructuring Payment Program 3 (PRRP 3) o ang Enhanced Installment Payment Program na nag-aalok ng flexible na mga tuntunin sa pagbabayad mula 9 hanggang 60 buwan depende sa kabuuang halaga ng obligasyon.

Ang Enhanced Installment Payment Program ay tatakbo hanggang Nobyembre 21 ng kasalukuyang taon.

Ang mga delengkwenteng employer naman na hindi nagbabayad ng kontribusyon ng kanilang empleyado na sumasaklaw sa buwan ng Marso 2020 pataas ay maaari ding maka-avail ng condonation ng mga parusa sa ilalim ng Pandemic Relief Restructuring Program 2 na tatagal naman hanggang Mayo 14 ng kasalukuyang taon.

Dagdag pa ng opisyal, kung nakatanggap ang emploter ng Show Cause Order at hindi pa rin sumunod pagkatapos ng ibinigay na 15-araw na panahon, maari nang maharap ang mga ito sa legal na kahihinatnan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *