1,200 katao target mabakunahan ngayong araw sa Legazpi City

LEGAZPI-Nagpapatuloy na ngayon ang pagbabakuna sa aabot 1,200 na residente matapos mabigyan ng Priority Numbers kahapon sa Legazpi City Convention Center na siyang venue ng pagbabakuna ngayong araw.

Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Legazpi, bakunang Pfizer ang nakatalaan na iturok sa mga residente Vaccination Area katuwang ang City Health Office at Vaccination team.

Ngayong araw naman, ang pagbibigay ng priority number ay isasagawa sa Bagumbayan Elementary School Covered Court para sa nakatalaan naman na pagbabakuna bukas.

Kung maaalala kasi, noong nakaraang linggo pa nagpalabas ng anunsyo ang lokal na pamahalaan ng Legazpi sa 2 araw na nakatalaan na pagbibigay ng numero na siyang prayoridad na mabakunahan kontra Covid-19.

Ito rin ay para maiwasan ang magkumpol kumpulan sa Vaccination Area.

Nilinaw rin ng mga otoridad, na ang mga binabakunahan ngayon ay dumaan sa screening at priority listing.

Kasama s mga binabakunahan ay ang mga residente at taga-ibang lugar ngunit nagtatrabaho sa loob ng lungsod.

Sa ngayon, wala pang pinapalabas ng susunod na schedule ng pagbibigay ng numero ngunit agad naman na magpapalabas ng anunsyo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *