1,200 OFWs sa region 12, nakabenepisyo sa Balik Pinas Balik Hanapbuhay program

KORONADAL CITY- NASA 1,200 na mga distressed Overseas Filipino Workers o OFW na sa Soccsksargen region ang nabigyan ng livelihood assistance ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA region 12 ngayong taon.

Ito ay sa ilalim ng Balik Pinas Balik Hanapbuhay o BPBH program na nagbibigay ng tig P 20,000 na ayuda sa mga qualified OFWs upang makapagsimula ang mga ito ng maliit na pagkakakitaan o bilang dagdag na capital.

Inihayag ni OWWA 12 regional director Marilou Sumalinog na kabilang sa maaaring makabenepisyo sa BPBH program ang mga umuwing distressed OFWs, hindi nakatapos ng kanilang kontrata dahil sa problema sa employers, na-retrench, inabuso at mga hindi pinasahod ng kanilang mga amo.

Sa kabuuan, umabot na sa P 21 million ang nai-release na ayuda ng OWWA 12 sa Balik Pinas Balik Hanapbuhay ngayong taon.

Samantala, upang mas mapalapit at marami pang mga OFWs ang matulungan at maka-avail ng mga programa ng OWWA, inilunsad ng ahensya kamakailan lamang ang Parokya ng OWWA sa Barangay at Pamilyang OFW.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *