13-anyos ginawang parausan ng stepbrother

Kulong ang isang lalaki matapos itong naaresto sa kasong rape sa Barangay 28, Cagayan de Oro City noong nakaraang araw.

Sa interview ng 102.5 Brigada News FM- CDO kay Police Major Julius Salute, hepe ng Cogon Police Station inaresto umano nila ang 28-anyos na suspek sa bisa ng warrant of arrest.

Ayon sa hepe na sinimulan umanong halayin ng suspek ang kapatid noong grade 1 pa ito at nadiskobre na lamang ang krimen matapos ang 6 na taon at  13 taong gulang na ang bata.

Inamin naman ng suspek ang kanyang krimen ngunit paglilinaw nito na hindi umano niya pinilit ang biktima.

‘No bail bond’ ang kaso ng suspek kaya wala itong pagkakataon na makalabas sa kulungan habang nililitis ang isinampang kaso laban sa kanya.  Max Anaten

Leave a Reply

Your email address will not be published.