13 anyos na lalake sa USA, na trap sa isang stuffed toy claw machine sa tangkang pagnanakaw

NA TRAP  sa isang stuffed toy claw machine ang 13 anyos na lalake sa North Carolina, USA sa Carowinds theme park matapos nitong pasukin at tangkaing pagnakawan.

Ayon sa ulat ligtas at agad namang na rescue ang nasabing batang lalaki ng medical response team  sa lugar subalit pinagbawalan na itong bumalik at bumisita pa sa naturang themed park sa loob ng isang taon bilang parusa sa kanyang ginawa,

Samantala ang nasabi namang claw machine ay ang Cosmic XL Bonus Game na pag mamay-ari ng Elaut Group, meron itong taas na 6.5 feet, laki at lalim na 5 feet, at sa sukat nito walang dudang kakasiya talaga ang isang tao.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *