13 kaso ng HIV AIDS naitala sa Naga ; community activities papaigtingin

NAGA CITY–Nakapagtala na kaagad ng 13 mga nagpositibo sa  Human Immunodeficiency Virus Infection and Acquired Immunodeficiency Syndrome  o HIV AIDS ang City Hygiene Clinic mula Enero at Pebrero ngayong taon 2023.

Ang bilang na ito ay bukod pa sa mga individual na nasa ospital sa lungsod na hindi na dumaan sa klinika.

Sa pagtapos ng taong 2022, umabot sa 75 ang naitala nilang may HIV AIDS, mas doble  ang taas noong taon 2021 na 44 lamang.

Sa panayam sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Grace Guevarra head ng hygiene clinic na patuloy silang maglilibot sa 27 barangay ng ng lungsod para gawin ang mga programa at aktibidad kung papano malalabanan ang kondisyon.

Aniya paiigtingin pa nila ang counselling, pakikipag-usap sa mga kabataan sa mga buntis at lalo na sa mga kalalakihan na siyang mayoriyang may ganitong impeksyon.

Bukod sa paglilibot sa mga barangay, nagkakaroon din sila ng programa at aktibidad sa mga paaralan, pampubliko man o pang pribado kung naiimbitahan.

Inaasahan nina Guevarra na tataas pa ang bilang ngayong taon dahil sa marami ang nagpapa test sa kanila araw-araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *