13 na technical personnel ng DENR region 2, nakahanda na para sa underwater monitoring

Nakahanda nang magsagawa ng underwater monitoring ang mga naglatag ng Coastal and Marine Ecosystems Management Program (CMEMP) ng DENR Region 2 matapos makumpleto ng mga ito ang 5-day Basic Open water Diver Course sa Sta. Ana Cagayan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sumailalim sa training para sa epektibong pagsusuri sa mga coral reefs at deep-dwelling seagrass beds ang 13 technical personnel ng DENR Region 2, CENRO Appari at Palanan at Provincial Environment and Natural Resources Sub-Office Cagayan.

Inihayag ni CENRO Ilarde Viernes ng Appari, na magkakaroon ng regular na pagsusuri at pagbabantay sa underwater habitats aide para sa pagtukoy ng stratehiya o interbensyon upang mabawasan ang anumang banta na maaaring makasira sa coastal at marine ecosystem.

Hinikayat din ng mga community environment officials ang mga kalahok na pagtuunan ng pansin ang naturang training upang maging ligtas habang nagsasagawa ng assessment underwater.

Natutunan ng 13 technical personnel ang paraan ng paggamit sa self-contained underwater breathing apparatus, compass, assembling at dismantling of equipment, and bottom-of-the-sea survival techniques.

Samantala, nagkaroon rin ng dalawang araw na pool session at confined water diving ang mga sertipikadong scuba divers upang maging pamilyar ang mga ito sa mga techniques bago tuluyang sumabak sa marine protected area sa Palaui Island Protected Landscape and Seascape.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *