13 patay sa serye ng pagsabog sa Donetsk City sa Ukraine

Patay ang 13 tao habang marami ang sugatan sa serye ng explosion sa separatist-run city ng Donetsk sa eastern Ukraine.

Kaugnay nito, sinisi ni Mayor Alexei Kulemzin ang aniya ay “punitive” Ukraine shellfire bagamat wala pang pahayag ang kanilang gobyerno hinggil dito.

Ayon sa report, umabot sa siyam na 150mm shells ang pinakawalan sa Kuibyshevky district sa Donetsk na mula sa village sa kanlurang bahagi ng lungsod.

Inakusahan din ng local leader na si Dennis Pushilin ang Ukraine na sinasadyang targetin ang mga sibilyan sa bus stop, shop at maging bangko sa lungsod.

Matatandaan na bagamat nakubkob ng Russian forces ang malaking bahagi ng Donetsk region, hindi pa rin naitaboy ng mga ito ang Ukrainian army sa palibot ng lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published.