Local News

13 TRANSPORT COOPERATIVE SA REGION 2, TUTOL SA TRASPORT STRIKE

Hindi tatalima ang ilang transport cooperative sa Lambak ng Cagayan sa panawagang tigil pasada ng ilang mga transport group sa bansa.

Una rito, ng nasabing tigil pasada ay inisyatibo ng MANIBELA transport group na tumangging suportahan ang Memorandum Circular 2023-013 ng LTFRB na tumutukoy sa deadline ng industry consolidation hanggang June 30, 2023.

Sa inilabas na pahayag ng bawat transport group na ibinahagi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 2, ang 13 transport cooperative sa rehiyon ay hindi susunod sa kagustuhan ng ilang grupo na isang linggong tigil pasada.

Ang mga kooperatiba sa rehiyon na hindi susunod sa tigil pasada ay kinabibilangan ng IPUTC, CAMTRANSCO, FAR EAST VAN TRANSPORT COOP., VISCON Transport cooperative at iba pa. Inihayag ng mga ito ang pagsuporta sa Public Utility Vehicle Modernization Program ng DOTR at LTFRB.

Ipinunto naman ni LTFRB Regional Director Edward Cabase na malaki ang epekto ng tigil pasada sa mga commuters.

Dahil dito, nakikipag-ugnayan na umano ang ahensya katuwang ang mga kooperatiba sa bawat Local Government Unit sa Rehiyon hinggil sa posibleng pagkakaroon ng libreng sakay.

Sa ngayon, bilang bahagi ng MPUV ng LTFRB sa rehiyon ay mayroon nang bumabiyahe na 80 taxi, 30 PUBs, 65 MPUJs Class 3 , 109 MPUJs Class 2, 15 E-Jeep Class 2 at 5 MUVEs Class 3.

BNFM Cauayan

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago