Uncategorized

DENR Bicol, ipinagdiriwang ang world seagrass day ngayong buwan ng Marso

LEGAZPI CITY – Taun-taon sa buwan ng Marso ay ipinagdiriwang ang “World Seagrass Day” sa buong mundo upang itaas ang kamalayan sa kahalagahan nito at maalerto ang mga pamahalaan sa pagpapahusay at konserbasyon ng sea grass meadows ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Bicol.

Ayon dito, ang seagrass ay isang namumulaklak na halamang naninirahan sa mababaw na lugar sa baybayin.

Maliban pa rito, nagbibigay din ito ng tirahan, at nagsisilbing breeding ground para sa mga marine fauna, at nagbibigay ng kabuhayan para sa komunidad.

Binigyang-diin pa nito, ang mga damong dagat ay mahalaga umano para sa seguridad ng pagkain, kung saan ginagawa nitong malusog at malinis ang karagatan.

Iminumungkahi rin na nawawalan na ng isang lugar ng seagrasses na halos kapareho ng sukat ng dalawang football pitch bawat oras at ang pagprotekta sa kung ano ang natitira sa ecosystem na ito ay mahalaga.

Hinikayat ang mga Bicolano na magsimula nang magsagawa ng mga hakbangin at makiisa sa kampanyang ito upang itaas ang kamalayan at tumulong sa pangangalaga sa kapaligiran.

BNFM Legazpi

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago