131 BHW at 35 BNS sa bayan ng Mercedes nakatanggap ng Cash Assistance mula sa Provincial Government

CAMARINES NORTE – Tumanggap ng cash assistance mula sa Provincial Government ang nasa 131 Barangay Health Workers (BHW) at 35 na Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.

Ginawa ang pamamahagi kahapon sa Jimmy P. Lo Sports Complex na pinangasiwaan ni Provincial Health Nurse Myra Ong ng Provincial Health Office ( PHO).

Ayon sa Municipal Information Office ng LGU, ito ay taon-taong ayuda para sa kanila at ang ibinigay ngayon ay para sa nakalipas na taong 2022.

Dagdag pa ng LGU na lahat ng BHW at BNS sa bayan  ng Mercedes ay may tinatanggap ding incentives na dating 1,000 na ngayon ay posibleng madagdagan at  maging P1, 500 na makukuha nila tuwing ikalawang buwan.

Hiwalay pa ito sa regular honorarium  mula sa kanilang barangay na pinaglilingkuran.

Mababatid na kamakailan lang ay naaprubahan ang Barangay Health Workers Accreditation, Benefits and Incentives Ordinance sa naturang bayad na nagtatakda ng mga benspisyo ay insentibo para sa kanila.

Mayroong Year End Incentive ng hindi bababa sa P1, 000 mula sa munisipyo na dapat maibigay nang hindi lalagpas ng December 15 kada taon.

Ang matatanggap na insentibo ay depende sa length of service ng isang accredited BHW.

Bukod dito ay may karapatan ding tumanggap ang BHW ng Burial assistance, Medical and Dental Benefits, Training Education and Career Enrichment Programs, One Child scholarship, Free Legal assistance at Preferential  access loan facilities of government lending institutions.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *