Ipatutupad ng Manila Electric Company (Meralco) ang mas mataas na singil sa kuryente sa Marso dahil umano sa pagtaas ng generation charge, bunsod ng pagsasailalim sa Malampaya facility sa 15-day maintenance shutdown noong Pebrero.
Sa abiso ng Meralco, sinabi nito na P0.05453 per kilowatt-hour (kWh) ang madadagdag sa kanilang singil sa Marso.
Magiging P11.4348 per kWh ito mula sa P10.8895 per kWh na singil noong Pebrero.
Dahil dito, tinatayang P109 ang madadagdag sa bayarin ng isang tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh.
Ang pagmahal ng generation charge na naging P7.3790 per kWh mula sa P6.9154 per kWh noong nakaraang buwan ay sanhi na rin umano ng paggamit ng mas mahal na alternative fuel.
Ang generation cost ay 55% ng billing statement, at ang iba ay distribution (17.5%), transmission (10.1%), taxes (11.7%), at ‘others’ (5.7%). //MHEL PACIA-TRINIDAD
Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…
Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…
Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…
Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…
Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…
Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…