13th month pay at iba pang mga bonus na hindi lalagpas sa Php 90,000 hindi babawasan ng tax- BIR

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na hindi babawasan ng tax ang 13th month pay at iba pang mga bonus na hindi lalagpas sa P90,000.

Ito ang ipinaliwanag ni Revenue District Officer Felix M. Roy sa naging panayam ng Brigada News FM Daet .

Ayon kay Roy hindi lang ito tungkol sa bonus at 13th month pay kundi kasama na ang tinatawag na mga “de minimis benefit” tulad ng clothing, meal at iba pang allowances na tinatanggap ng isang empleado.

“Yung tungkol naman sa mga bonuses meron naman tayong limitation diyan na yung first 90, 000 ay exempt so in excess of P90, 000 ay taxable na yan,” ani Roy.

“Usually yung first 90, 000 ay exempt talaga yan, kasi yung bonus, 13th month pay kasama yung mga “de minimis” benefit, so hindi lang actually bonus may mga meal allowance, clothing allowance and other allowances, rest allowance, tototalin lahat yan kasama doon sa  13th month pay kung hindi siya umabot ng 90, 000 lahat po yan exempt, pero pag umabot ng 90 yung sobra yun lang ita tax natin.

Magsasagawa  umano ng seminar on year- end adjustment ang BIR- RDO 64 bago matapos ang taon para mabigyang gabay ang mga gumagawa ng payroll kung magkano ang iwi- withhold at ano ang exemption.

Para naman sa mga employer, ipinaliwanag ni Roy na lahat nang ibinigay sa empleado tulad ng sweldo, 13th month at bonus ay mare- reduce sa taxable income.

“Kung ano yung binabayad mo dun sa mga empleado so pag nagbigay ka ng bonus, nagbigay ka ng salary, nagbigay ka ng 13th month pay lahat ng binigay mo sa empleado deductible yun, yun ang pambawi naman nila nadi- deduct nila yun, so ibig sabihin nare- reduce yung taxable income nila dahil dun.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *