14-anyos na batang lalaki sa Spain, sinaksak ang mga guro at mag-aaral

Isang 14-anyos ang sumaksak sa tatlong guro at dalawang mag-aaral sa isang paaralan sa southern Spain.

Ang hindi pinangalanang batang lalaki ay sinasabing paulit-ulit na sinaksak ang limang biktima ilang sandali matapos magsimula ang klase sa paaralan sa Jerez de la Frontera.

Ayon sa police spokesman na si Adrian Domiguez, inilarawan ang suspek bilang mainitin ang ulo.

Mangilan-ngilan sa media ng Espanya ang nagsasabing nasa malubhang kondisyon ang isang guro habang ang iba naman ay light injuries lang ang naransan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *