14 estudyante at isang guro patay sa pamamaril sa Texas elementary school

Nagluluksa ngayon ang buong Texas sa America matapos ang malagim na pamamaril ng isang 18 anyos na teenager sa 14 na estudyante at isang guro sa isang eskuwelahan.

Sinabi ni Governor Greg Abbott na sila ng kanyang asawang si Cecilia ay nagluluksa para sa “horrific loss” sa labing-limang biktima.

Sa inisyal na ulat, sa hindi pa malinaw na dahilan ay pinagbabaril ng suspect ang mga estudyante sa Robb Elementary School.

Pinasalamatan ni Abbott ang mga unang rumesponde sa krimen kaya napigilan ang mas malala pa sanang krimen habang napatay ang suspect.

Kaugnay nito ay ipinag-utos ni Abbott ang malalimang imbestigasyon sa krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published.