14 kabilang ang 7-anyos na batang lalaki sa Sorsogon nagpositibo sa Covid-19

SORSOGON CITY—Muling nakapagtala ng mga bagong kaso ng Covid-19 ang lalawigan ng Sorsogon.

Sa pinakahuling datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO), 14 na indibidwal ang nadagdag na kinabibilangan ng 7 taong gulang na batang lalaki.

Anim sa mga bagong kaso ay mula sa lungsod ng Sorsogon, tigdalawa ang Gubat at Bulan at tig-iisa ang Bulusan, Castilla, Donsol at Matnog.

Isa sa mga ito ang Close contact ng una nang nagpositibo sa sakit, apat ang health care workers at walo ang walang travel history.

Gayunpaman hindi ito nakaapekto sa pagtaas ng bilang ng aktibong kaso matapos na makapagtala ng 13 recoveries. Walo sa mga ito ay mula sa Sorsogon City, tatlo sa Gubat at tig-isa ang Barcelona at Juban.

Nananatili pa rin ang lungsod ng Sorsogon sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na 24, sinundan ito ng Bulan at Castilla na may pitong aktibong kaso, apat naman sa Magallanes, tatlo sa Gubat habang tig dadalawang kaso naman ang mga bayan ng Juban, Matnog, Pilar, Donsol at Bulusan at tig iisang aktibong kaso ang mga bayan ng Casiguran, Prieto Diaz at Sta Magdalena.

Sa kabuuan ay umaabot na sa 8,676 ang cumulative cases ng Covid-19 sa lalawigan,

8,141 ang mga gumaling habang nananatili naman sa 477 ang death toll.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *