14 kandidata maglalaban–laban sa Search for Mutya ng South Cotabato 2022

KORONADAL CITY- LABING-APAT na mga magagandang dilag lalawigan ng South Cotabato ang maglalaban-laban sa Mutya ng South Cotabato 2022 na highlight ng ika-56 na Foundation Anniversary at ika-23 T’nalak Festival.

Kabilang sa 14 na mga official candiates sina Daisy Antonette Mayuga ng Norala; Jirah Shammeh Bantas ng Tantangan; Maria Julianne Gracel Yanzon ng Koronadal City; Marisol Altonette Corporal ng Polomolok; Kimberly Porras ng Lake Sebu; Genevive Balaba ng Tampakan; Katty Kiyugan ng T’Boli; Samantha Hidalgo ng Philippine Councilors League; Alexandrea Escalada ng Tupi; Sakura Alehya Bonilla ng Chamber of Commerce and Industry Foundation Inc; Joydelyn Belandres ng Sto.Nino; Alexandra Nicole Orquia ng Banga; Precious Valerie Animas ng South Cotabato Police Provincial Office; at Hazel Bacruya ng Surallah.
Inihayag ni Provincial Accountant Cynthia Barrientos, committee chairperson ng Mutya ng South Cotabato na ang mga ito ay magpapasiklaban sa evening gown, casual, swimsuit, at T’nalak Haute Couture.

Ang kokoronahang Mutya ng South Cotabato 2022 ay makakatanggap ng premyong P 40,000 at dagdag na P 50,000 mula sa sponsor na Glowing Smile Dental Clinic.

Ang Mutya ng South Cotabato ay isasagawa sa South Cotabato Gym and Cultural Center sa July 17.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *