Hindi bababa sa 14 katao ang nasawi habang marami ang sugatan matapos sumiklab ang malaking sunog sa isang state-run fuel storage depot sa Indonesia.

Kabilang sa mga nasugatan ang tatlong bata na nasa malubhang kondisyon ngayon.
Ayon sa North Jakarta fire department , tinitingnan nilang anggulo sa insidente ang sumabog na tubo sa depot.
Nagpapatuloy pa sa ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.//CA