WALANG natirang buhay sa bumagsak na eroplano sa estado ng Northern Amazon sa Brazil na may sakay na 14 na katao nitong Sabado.
Kinumpirma ni Mayor Edson de Paula Rodrigues Mende na kabilang sa mga nasawi ang 12 na turista at dalawang piloto nito.
Idinetalye naman ni Vinicius Almeida, ang state security ng Amazonas, na naganap ang insidente dulot ng matinding pag-ulan dahilan para kapusin sa landing strip sa lugar.
Samantala, tiniyak ng Manaux Aerotaxi, ang airline ng bumagsak na eroplano na ilalabas nila ang lahat ng impormasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente. ### Johnoah Mae A. Zepeda, Intern