147K na halaga ng iligal na droga, nasakote sa Candelaria, Quezon

Nasakote ng mga awtoridad ang nasa 147K na halaga ng iligal na droga sa isinagawang operasyon ng mga ito sa Brgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ng Candelaria Municipal Police Station Drug Enforcement Team ang mga suspek na sina Trisha Daang Gentiles, 38 anyos at si Jamie Ciga Esquadra, 60 anyos at kapwa residente ng Antipolo City.

Naaresto ang dalawang suspek matapos na mahuli ang mga ito sa isinagawang buy-bust operation ng nasabing himpilan.

Nakumpiska sa dalawa ang siyam na pakete ng pinaghihinalaang Shabu na may bigat na humigit kumulang 21.66 gramo na tinatayang halaga ay nasa P147,000, isang cellphone at P1,000, kasama pa ang walong piraso ng pekeng P1,000 na ginamit sa operasyon.

Sa ngayon ay nasa kostudiya na ng nasabing himpilan ang mga suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o mas kilala bilang The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *