15 bagong kaso ng Covid-19 naitala ng lalawigan ng Sorsogon nitong weekend

SORSOGON CITY—Nasa 63 na ang kabuuang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa lalawigan ng Sorsogon matapos na makapagtala ng 15 bagong kaso nitong weekend.

Sa datus na ipinalabas ng Provincial Health Office (PHO), nitong Sabado, siyam na bagong kaso ang naidagdag kabilang ang apat na frontliners, isang may travel history at isang walang travel history, habang kahapon naman araw ng Linggo, anim ang naidagdag na bagong kaso na kinabibilangan naman ng dalawang Health care workers, isang close contact at tatlong walang travel history.

Wala namang naitalang nasawi sa nakalipas na anim na buwan o dalawang quarter ng taon kung nananatili sa 477 ang death toll.

Dobleng pag-iingat naman ang paalala ng pamahalaang panlalawigan sa lahat dahil maliban sa tumaas na kaso ng Covid-19 nanatili rin ang banta ng dengue na patuloy na tumaas ang kaso.#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *