15 bata nalunod, 25 pa nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Nigeria ​

Patay ang labinlimang bata habang 25 pa ang nawawala matapos tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa isang ilog sa Northwest Nigeria.

lumalabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad kahapon , na ang mga batang sakay ng bangka ay papunta sana ng Dundeji village sa Sokoto State upang manguha ng mga panggatong nang lumubog at hinihinalang overloaded.

Sa 15 bangkay na narekober ng mga awtoridad, 13 rito ay mga babae at dalawa ang lalaki.

Nagpapatuloy ngayon ang search and rescue operation sa natitira pang mga biktima.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *