15 mga menor de edad na rescue mula sa Child trafficking sa Bombon Camarines Sur

NAGA CITY- 15 na mga menor de edad ang narescue ng pulisya mula sa Child Trafficking sa Bombon Camarines Sur.

Apat ang arestado sa tatlong bahay na venue para sa child pornography at iba pang uri ng human trafficking sa Barangay San Antonio nitong nagdaang gabi sa is ang search warrant. Ang mga narescue ay edad 5 hanggang 16-anyos.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PLt. Angelo Babagay ng Regional Anti-Cyber Crime Unit , kinumpirma nitong ang mga magkakalapit na bahay ay magkakamag anak, at kaanak din ng dati nang naaresto taon na ang nakakaraan.

2016 pa sila nagsimula ang ganitong sistema sa naturang barangay, sa katunayan nakatuwang ng PNP Bicol sa pagkuha ng mga impormasyon ang Australian Government. Karamihan sa mga katransakyon ay mga foreigner, walang mga pinoy.

Ang nakakalungkot pa , may alam ang mga magulang ang pagsalang sa malalaswang gawain ng mga anak. Ayon kay Babagay, inamin ng ilan sa nakausap nila na nagawa ito dahil sa kahirapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *